top of page

 Ano ang retorika?

Ang retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit and magandang pagsasalita at pagsulat.

Pinag-aaralan ditto ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag.

Ito ay sining ng pakikipag-usap at pagsulat.

Ano ang ipinapahayag sa pakikipag-usap?

·        Kapag nakikipag-usap nang harapan o kaya’y sa telepono, nagpapahayag tayo ng pasalita.

·        Pagpapahayag upang ihayag ang damdamin at kaisipan.

Sino-sino ang nakikipag-usap?

Mahalaga ang pakikipagtalastasan sa buhay ng tao, sa kanyang buhay pulitika an sa kanyang hanap buhay….

·        Kailangang mag-usap ng pamilya para sa maayos nitong pagkilos

·        Sa kapitbahay, para kamustahin

·        Sa tindera, upang makatawad kapag namamalengke

·        Sa drayber, upang pumara at magpahatid sa pook na pupuntahan.

Anu-ano at bakit nagiging malabo sa pagtalastasan?

·        Nagiging malabo ang pakikipagtalastasan kung di maayos ang pagkakabuo sa diwa ng pagpapahayag o kaya’y ang kakulangan sa kaalaman sa retorika ng pagpapahayag.

·        Kung hindi magkaintindihan ang dalawang nag-uusap.

Ang pakikipagtalastasan any bahagi ng lipunan upang maipahayag ang iyong:

1.      Naisin

2.      Maunawaan

3.      Magkaisa

Kailan mabisa ang isang pahayag?

1.      nauunawaan

2.      malinaw

Tatlong bagay/elemento na dapat isaalang-alang upang magkaroon o matamo ang kalinawan sa pahayag.

1.      diwang ipinahayag – mensahe (a) tiyak   (b) sinaliksik   (c)magdagdag ng kaalaman

2.      kasanayan sa pagbuo ng pahayag

3.      tamang pagpili ng mga salita

 

Ayon kay Sebastian, ang retorika ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan ay tinukoy kung maganda o kaakit-akit ang pagsususlat at pagsasalita.

Maaari rin itong tawagin bilang pagaaral o kahusayan ng isang indibidwal sapagpili ng mga salitang gagamitin sa pagsulat o pagsasalita.

 

·        Ito ay galing sa salitang “rhetor” (Salitang Griyego) na nangangahulugang “guro” o mahusay na oradr/mananalumpati

 

·        Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat.

 

·        Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang layunin.

 

·        Ang kasanayang ito ay natututunan  o napagaaralan

 

·        Ang isang taong may kahusayan sa retorika ay kadalasan nagkakaroon ng isang magandang impresyon sa kaniyang mga audience o tagapakinig. Halimbawa na lamang ay ang paborito mong awtor ng libro tagapagbalita sa telebisyon. May kasanayan sila na kung saan sila ay ating hinahangaan at maging tinatangkilik ng mga tagapanood.Samakatuwid, ang layunin ng retorika ay maging kaakit akit at epektibo ang isang pahayag.

 

Retorika: Bilang isang sining

 

Tulad ng  awit ang retorika ay may roon ding sining o ibat ibang paraan o estilo na nalinawan sa ating isipan, damadamin at  mambabasa.

 

Isang Kooperatibong sining

 

Hindi maaring gawin ng nagiisa. Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang isang tagapagsalita at tagapakinig sa iisan ideya.

 

·        Isang pantaong sining

 

Dahil sa ang wika ay midyum ng retorika, paslita man o pasulat. Dahil dito, ito ay pagaari ng tao ang retorika ay isa ring siniong at pantao.

 

·        Isang Temporal na sining

 

Ito ay nababatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay nangungusap  sa lenggwhae ngayon at hindi bukas o kahapon.

 

·        Isang limitadong sining

 

Marami ang hindi ito kayang gawin. Ang retorika ay mayroong sukdulan o hangganan. Dahil maaring imahinasyon lamang ang gamitin sa sining na ito.

 

·        Isang may kabiguang sining

 

Hindi lahat ay may kagalingan sa paghawak ng wika. Ito ay likas na komplikado dahil sa mga tuntunin na pababago bago. Sa iba ito ay nagiging frustrating na karanasan.

 

·        Isang nagsusupling na sining

 

Ito ay dumadami. Ang isang manunulat ay nagsusulat ng isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda. At patuloy tuloy na napapasa ang kaalaman sa kaniyang kaisipan.

 

Saklaw ng retorika

 

   1. Lipunan

 

   2. pilosopiya

 

   3. wika

 

   4. iba pang larangan

 

   5. sining

Gampanin ng Retorika

 

·        Nagbibigay daan sa komunikasyon

SAYUSAY

Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sa pakikipagtalastasan.

Ayon sa mga impormasyon na nakalap mula sa iba't-ibang aklat, isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag ang retorika sapagkat tinutukoy nito ang angking abilidad na tumutugaygay sa pagsusulat o pagsasalita ng isang tao, bagay na humuhulma sa mga pangunahing kasanayan sa larangan ng komunikasyon. Maaaring rin itong maisambit bilang isang punla ng kahusayan ng isang nilalang sa pagpili ng mga salitang nais niyang iparating. Kung kaya't ito ay isang epektibong paraan ng pakikipagdayalogo. Mula ang salitang "retorika" sa salitang Latin na rhetor, na nangangahulugang "guro" o "mahusay na mananalumpati".[kailangan ng sanggunian] Susi ang pag-aaral ng retorika tungo sa mabisang pagpapahayag ng nauukol sa kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat at isa ring hibla ng produktibong pag-aaral upang makabuo ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng pili at wastong pangungusap na may maangkop na layunin.

Bilang isang sining, isa itong sining na kooperatiba, temporal, limitado at nagsusupling. Ilan sa mga gampanin nito ang pagbibigay daan sa paglinang ng kasanayan sa komunikasyon, pag-aabala, pagpapalawak ng pananaw, pagbibigay-ngalan, at pagbibigay-kapangyarihan.

 

Sa tradisyunal na pagkilala sa sining na ito, karaniwang iniuugnay ang retorika sa sining ng pagbigkas at, samakatwid, ay kinakailangang masangkapan hindi lamang ng mga estilo sa pananalita kundi maging sa paggamit ng jestyurs at galaw para maging epektibo at kaakit-akit sa mga taga-pakinig. Kaugnay nito, sinasabi nina William D. Halsey at Emmanuel Friedman (1979) na ang retorika ay isang berbal na agham at humahakdaw pa sa lojic at balarila. Sa pagbibigay-empasis nito sa paggamit ng mga salita bilang epektibong sangkap, ang retorika ay nakatuon sa maaring magawa ng mga salita at hindi sa kinakailangang istraktura o ayos ng mga salita sa isang pahayag. Ang binibigyan-priyoriti sa retorika ay kalayaan sa pagpapahayag at hindi ang mga panuntunang ipinagbabawal ng lojic at balarila. Maaring sabihing sa retorika, ang mahalaga, unang-una ay ang epektibo at ang magandang pagapaphayag, bago pa ang lojic at balarila. Hindi sapat ang maging wasto lamang ang ayos ng mga salita sa loob ng isang pangungusap. Kailangang mahigitan pa ang mga ito sa pamamagitan ng maganda at mabisang pagpapahayag na magagawa lamang ng isang malikhaing manunulat sapagkat siya’y may kakayahan sa paggamit ng mga salita bukod sa may kinalaman sa mga prinsipyo ng retorika at ng mga sangkap nito. Kaya hindi nga kataka-taka kung bakit ang mga nasa mass media ay mahuhusay; sa pamamgitan ng alam nilang mga sangkap ng retorika, namamanipuleyt nila ang isispan ng kanilang mga tagapakinig at mambabasa sa pamamagitan lamang ng paggamit nila ng mga salita.

 

“Tulad ng salapi at enerhiyang atomiko, ang mga salita ay magagamit sa mga layuning mabuti at masama.” - (halaw mula sa salaysay ni William D. Halsey)

 

 

Histori ng Retorika

 

 

Si Socrates, batay sa kontekstong pang-kasaysayan, ay itinuturing na isa sa mga nagpalaganap ng retorika noong mga unang siglo. 

 

Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse, isang isla sa Sicily noong ika-limang siglo bago dumating si Kristo. Makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doon ay binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen. Ang marunong na si Corax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento. Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento: ang proem ointrodusyon; ang salaysay o pahayag na historical; ang mga pangunahing argumento; mga karagdagang pahayag(supplemental statements) o kaugnay na argumento (supporting arguments); at ang konklusyon. Naimbento nila angretorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga konkretong katibayan (concrete evidence).

 

Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga sophist, Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470–399 B.C.) sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi sustansiya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain. Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si Isocrates (c. 436–338 B.C.). Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting pangungusap na mayaman sa kasaysayan at pilosopiya. Sa Rhetoric ni Aristotle (384–322 B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig. Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip nasilohismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang halimbawa o analogy para sa pangangatwirang induktibo.

 

Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap. Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na nagging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Sa kaibuturan ng mga pangyayari, iniwan ni Aristotle ang oratoryong deliberative o pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko (public debate). Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at madamdaming mga salita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na declamation.

Layunin

 

Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan, ang tayo ay makasulat nang mahusay. Kung kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa maangking kakayahan. Bagamat nabubuo lamang ng mga sulat, memo, ulat, abstrak, pagsusuri,pamanahong papel (term paper), mga panuto, at paghahanda sa mga proposal ng mga proyekto ang malaking bahagdan ng akademya, tiyak na kakailanganin pa rin ang kahusayan sa pagpapahayag, bagay na tumutuon sa dalawang pangunahing interbensiyon sa pag-aaral ng retorika: Kasanayan sa Pagsusulat at Pagsasalita.

 

Gampanin

Ang pag-aaral ng retorika ay nakatutulong sa isang indibidwal sa pamamagitan ng limang aspekto. Una, bilang pangunahing diskurso, ang retorika ay nagbibigay daan tungo sa komunikasyon. Sa ganitong punto, nagkakaroon ng oportunidad ang isang indibidwal upang maipahayag ang kanyang saloobin kaugnay sa iba't ibang bagay na mahihinuha nito sa kanyang kapaligiran na maaaaring maisagawa sa paraang pasulat man o pasalita. Ikalawa, ito rin ay isang salik upang magkaroon ng tinatawag nadistraction effect sa isang tao na gumagamit nito. Ito ay bunsod ng gradwal na pagkabaling ng atensiyon ng isang indibidwal habang ito ay sumusulat, nagbabasa, o kaya ay nagpapahayag ng sentimiyento na hinulma mula sa isang partikular na materyal. Sa ganitong paraan, nadidistrak at nadadala sa ibang dimesyon ang sikolohikal na kamalayan ng tao kung saan bahagya nitong nakakaligtaan ang tunay na suliranin na dinarahop nito. Ang retorika rin ay mainam upang ma-ehersisyo ng isang tao ang kanyang kalayaan sa pagpapahayag (Freedom of Expression) na magsisilbing elemento upang mapalawak nito ang mga pananaw sa mundo. Nahuhubog ng retorika ang perspektibo ng isang indibidwal dahil ito ay sumasaklaw sa dalawang pangunahing akto ng komunikasyon, susi tungo sa pagpapaibayo ng karunungan. Ika-apat, sa pamamagitan rin ng retorika, nagagawa rin ng tao na bigyang-ngalan ang maraming bagay na nakikita sa paligid. Ito ay isang manipestasyon ng umuusbong na pag-iisip ng tao upang makalikha ng mas makabagong mga ideya na magagamit hindi lamang sa proseso ng komunikasyon kundi maging sa mga aspektong pangsosyopolitika. Halimbawa, ang kamera ay nagging Kodak, ang toothpaste ay nagiging colgate. At huli, ang retorika ay nagbibigay-pundasyon tungo sa makapangyarihang asimilasyon partikular sa larangan ng politika. Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagiging prominente at makapangyarihan. Isa sa mga mahuhusay na politiko at mananumpalati si Ninoy Aquino na isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang pandaigdig. Ang matatalinong ideya, malalalim na pananampalataya at ideyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at kalakasan.

 

Elemento

Sa mga mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng kursong edukasyon, ekonomiks, inhinyera, malayang sining, batas, medisina, pangangalakal, kompyuter, at iba pa, hindi na natin matatakasan ang pagsusulat sa panahon ng pag-aaral at mananatiling isang esensiyal na kasanayan sa mga ganap nang propesyonal. Sa mga ganitong pagkakataon at kalagayan, kakailanganin ng isang mag-aaral ang mga teknik o sistema at ang mga simulain sa mahusay na pagsusulat.[2]

1. Ang kaisipang gustong ipahayag - Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais nating magpahayag. Mga mahahalagang kaisipang nais ipahayag.

2. Ang pagbuo o organisasyon - Ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang paglalahad. Ito ay kumakatawan sa kakayusan ng pagkakabuo.

3. Ang istilo ng pagpapahayag - Ito ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang may kaugnayan sa istilo. Ang anyo o kaayusang akda o komposisyon ay nakasalalay sa mga para-paraan ng pagpapahayag. Hindi lamang sa kawastuan ng balarila kungdi maging sa panitikan.

Retorika bilang isang sangay

 

 

Ang larawang ito ay nagpapakita ng isang uri ng komunikasyon, isang paraan ng paggamit ng retorikal na ekspresyon, na tinatawag Small-group communication

Ang retorika ay isang uri ng sining na naisasagawa sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. Saklaw ng dalawang elementong pang-komunikasyon, ito ay tunay na maituturing bilang isang haligi ng pakikipagdayalogo. Sa isang dayalogo, nangangailangan ng dalawa o higit pang indibidwal upang ito ay maisagawa. Sa tulong ng presensiya ng mga tagapag-dayalogo, nagkakaroon ng gradwal na asimilasyon na siyang nagsisilbing pamuhatan upang makapagpalitan ng samu't saring ideya,pakiramdam, argumento, o kaya ay mga manipestasyon na hinimok mula sa iba't ibang aspetong pangkapaligiran ang mga sangkot sa isang dayalogo. Ang retorikal na paggamit ng mga salita ay hindi lamang mailalapat sa interpersonal na uri ng komunikasyon; bagkus, ito rin ay maaaring magamit sa mas malaking kantidad ng tao. Kabilang sa mga terminolohiyang tinutukoy dito ay ang small-group communication, uri ng komunikasyon na nangangailangan ng tatlo o higit pang indibidwal upang makapagpalitan ng iba't ibang saloobin mula sa mga natatanging aspeto na nakatakda nitong pagtuunan ng pansin. Bukod sa nabanggit, kabilang rin dito ang mas nakatataas na antas ng pakikipagdayalogo gaya ng organisasyonal na komunikasyon (mula sa terminong ginamit na humuhulma sa katayuan ng isang organisasyon o kapisanan upang lumikha ng isang kumberseysyon) at komunikasyong pang-madla, kung saan ito ay tumutuon sa partisipasyon ng maraming tao, na maaaring nasasaklaw ng isang institusyon o anumang pangkat ng mga indibidwal na sinabayan ng presensiya ng mga sangay ng medya para sa mas mabilis na pagpapakalap ng mensahe.

 

Kahalagahan at Kaugnayan ng Retorika at Wika sa iba pang Larangan

 

Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil ito ay nagbibigay daan sa mga aktibidades na ginagawa ng tao tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-argumento at paghahanap ng impormasyon at kaalaman. Sa pakikipag-usap, mahalagang sangkap ang retorika upang maipahayag ng mabuti at komprehensibo ang mga damdamin ng nag-uusap. Mahalaga rin ito sa pakikipag-argumento dahil ito ay tanda ng pagbibigay diin sa mga puntong nais na ipahayag. Mahalaga rin ito upang magkaroon ng maayos na pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang panig na hindi magkasundo sa iisang pamamaraan o paniniwala. Higit sa lahat, ang retorika ay mainam na instrumento sa pagkakalap ng impormasyon at pamamahagi nito. Sapagkat kinakailangan ng tao ang matuto at malinang ang pag-iisip.

"Ang kahalagahan ng retorika ay maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa isang putahe. Ito'y nakapagbibgay lasa sa isang sulatin o kaya'y kapag ang isang tao ay bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang tao. Ito'y pinag-iisipan. Napakasarap pakinggan ng mga salitang ginamitan ng retorika. Nakakaaliw din basahin ang isang sanaysay kapag ito'y ginamitan ng retorika." - (halaw mula sa salaysay ni Shark Shedie)

Edukasyon

Sa pamamagitan ng retorika, ang isang tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na magbigay ng panuto at paglalapat nito sa anumang bagay kung saan nananalamin ang mga natatagong kaalaman nito sa isang paksa. Ang retorika ay nagbibigay rin ng daan upang maayos at mabisang malaman ang mga dapat bagay na dapat matutunan ng isang mag-aaral at magamit ito sa pang araw-araw na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa mag-aaral. Tulad ng mga bagay na nabibigyan ng angkop na pangalan at tawag, nalalaman rin sa tulong ng retorikal na pagpapraktis ng komunikasyon ang saysay at gamit nito ng bawat salitang nakakalap sa anumang sanggunian na ginalugad ng isang manggagamit nito. Ang retorika rin ang ginagamit na "medium" ng mga guro sa paghahatid ng mga impormasyon at kaalaman na kinakailangang malaman ng kanilang mga estudyante.

Relihiyon

Mahalaga ang retorika sa aspetong panrelihiyon sapagkat ito ay isang salik na makakatulong ng malaki sa pagpapalawak ng personal man o biblikal na pananaw ng isang indibidwal upang magkaroon ng kaisahan ang mga magkakasalungat na paniniwala ng bawat mananampalataya na sinala mula sa iba't ibang grupong may kinakatawan na sariling pananampalataya. Ang retorika ay mabisang paraan sa pagsusuplay ng dahilan at pangangatwiran. Ang mga alagad ng simbahan tulad ng mga pari ay masasabing mga retor na kinakailangang magtaglay ng malawak na pag-iisip at mabisang pananalita upang maipahayag ng may paggalang at kabanalan sa mga sumasampalataya ang bawat sentimiyentong biblikal na umaayon sa winika ng Panginoon na kinikilala nito.

Politika 

Ang politika ay isang kumplikadong larangan na nananaghoy sa kaibuturan ng isang estado. Kung kaya't sa mga pampolitika na pagkilos sa kontemporaryong lipunan, nangangailangan ng retorikal na paggamit ng salita. Isang kongretong aplikasyon ng salaysay na ito ay ang pangangampanya, sa layuning makakalap ng boto sa pagdating ng halalan. Sa isang kampanya, nagkakaroon ng pagkakataon ang isang kandidato na nagnanais makakuha ng puwesto sa gobyerno upang makapagpabatid ng kanyang mga aspirasyon para sa mga mamamayan ng lugar kung saan ito kumakandidato. Dito nito ipinahahayag ang kanyang mga plataporma na magbibigay ng kaginhawaan sa kanyang mga konstituente sa oras na maluklok sa puwesto. Sa ganitong sitwasyon, ang isang pampolitika na kandidato ay kumukuha ng teknikal na kargamento sa tulong ng retorikal na paraan ng pagpapahayag kung saan siya ay mariin na kumakalap ng mabubulaklak na pananalita upang maakit at maengganyo ang mga botante na suportahan ang kandidatura nito. Sa ganitong pamamaraan, naipapakita ng isang tao, partikular sa konteksto ng isang kandidadto, hindi lamang ang kanyang berbal na abilidad kundi maging ang kanyang angking katalinuhan na siyang magsisilbing benepisyal na asset upang makamit ang kanyang mga adhikain. Ang salitang "mabulaklak", mula sa paraan ng pagkakagamit nito sa teksto ay nangangahulugan ng paggamit ng mga malalalim ngunit mga salitang kaakit-akit sa pandinig ng mga tagapakinig.

Legalidad

Likas na ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang pagdinig. Kung kaya't pinagtutuunan sa aspetong ito ang kahalagahan ng retorika sa mga usaping legal. Sa isang pagdinig, mahihinuha ang tipikal na serye ng pagpapalitan ng argumento upang magawa ng isang partido o kampo na patunayan ang akusasyon nito sa isang kampo o kaya naman ay bigyang beripikasyon ang kainosentehan ng isang indibidwal laban sa isang kaso na nakasampa laban dito. Sa normatibong pananaw, makikita ang dalisay na importansiya ng retorika dahil dito umiiral ang katayuan ng isang kaso, ang mga retorikal na panambitan ng isang abogado ang siyang kolektibong datos na ginagamit ng husgado upang ma-determina ang kredibilidad ng isang kampo patungo sa estado kung saan ito ay maghahayag ng kanyang pasya bilang wakas ng isang legal na proceeding. Kadalasan, batay sa mga obserbasyon, nangingibabaw sa isang pagdinig ang kampo na nagtataglay ng mas mahusay na abogado, marahil dahil mas detalyado at komprehensibo ang mga salaysay na naipapaabot nito dulot ng tahasang husay sa pagsasalita.

Kultura

Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng wikang ginagamit niya o ugaling gamitin, ay malapit na malapit. Samakatwid, masusukat ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika. Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura. Subalit ito’y batay sa ipinanaday ng edukasyon sa kanya, sa panahon ng kabataan, na kalahok ng tradisyon ng angkan, ng espiritung panrelihiyon, at ng mga paniniwala at perwishong pinagkalakhan. Alinmang wika ay ekspresyon, imbakan-hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian.Wika ang ekspresyong kakikinlan ng isang kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo rito para sa labas, ang siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito—ng kanyang pagkakabukod sa ibang kultura: ang kanyang kapagkahan, kung magagamit ang salitang ito, sa daigdig ng mga kaisahang pang-kultura.

Sosyolohiya

Ang malaking kaugnayan ng wika at sosyolohiya sa isa’t isa ay pinatutunayan ng sosyolinggwistika, isang sangay ng pag-aaral tungkol sa wika na itinuturing na bagong litaw sa panahong ito subalit kung tutuusi’y halos kasintanda na ng panahon. Ito ay buhat sa salitang socius at linggwistika. Ang socius ay salitang Latin na nangangahulugan ng interaksiyon, pakikisalamuha, pakikibagay at pakikipamuhay ng tao sa kapwa tao. Ito ang bahaging tumutukoy sa kasangkapang ginagamit ng tao sa pagpapahayg ng kanyang iniisip at narararamdaman upang malaman ng iba kung ano ang mga ito. Isang uri ng pagpapahayag na gagamitan ng kombinasyon ng mga tunog na tinatawag na mga salita—salitang may kaugnay na sariling kahulugan, Kahulugang tinataglay ng salita bunga ng pagkakisa ng mga kailangang magkaintindihan.

diskurso

MGA ARALIN SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG

 

 

Ang Pagpapahayag o Diskurso-

Diskurso ang tawag sa pagkakaroon ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao.

 

PAGKAKAIBA NG PASULAT AT PASALITA NA DISKURSO

(Punto de Vista/ Point of View)

 

PASULAT NA DISKURSO

}  Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)

}  Ito ay kapwa fisikal at mental na aktiviti  na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al., 2002)

}  Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.

}  Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

2 paraan ng pagpapahayag o diskurso

  • Pasalita (verbal) – oral

  • Pasulat – gumagamit ng mga ortografikong simbulo gaya ng mga letra

2 uri ng pasalitang diskurso

  • Privado – sa pagitan ng dalawa o ilang tao (kumbersasyunal)

  • Publiko – sa harap ng maraming tao (publikong pagsasalita

 

PASALITA SIKOLOHIKAL

-gawaing sosyal
-dahil may awdyens at may interaksyong nagaganap;
-may kagyat na pidbak sa anyong berbal at di-berbal; at
-gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic

 LINGGWISTIKA
-maaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling konstruksyon ng mga salita

-maaring ulitin, baguhin at linawin ang nabitiwang salita ayon sa reaksyon ng tagapakinig
-napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag
-nauulit ang anumang sinabi

KOGNITIBO

-ang pagsasalita ay madaling natatamo
-natutuhan sa isang prosesong natural na tila walang hirap (ego building)

-ang pagsasalin ng “inner speech'(kaisipang binubuo bago ipahayag sa anyong pasalita) ay isang madaling proseso

 

PASULAT

SIKOLOHIKAL

-gawaing mag-isa
-isang anyo ng pakikipagtalastasan na ginagawa nang nag-iisa;

-maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang
ang di-nakikitang awdyens, o mambabasa; minsan siya mismo ang gumaganap na tagabasa ng sulat na ginagawa; at

-walang kagyat na pidbak kaya’t hindi agad na mababago kung ano ang naisulat
-kailangang panindigan kung ano ang naisulat

 LINGGWISTIKA
-kailangang mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang makatiyak na malinaw ang dating sa mambabasa.
-mas mahaba ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na estrukturang dapat na sundin.

 KOGNITIBO
-natutuhan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at pagkatuto;
-mahirap ang pagbubuo ng isusulat na mga ideya kaysa pagsasabi nito; at

-karamihan sa karanasan ng mga bata sa pagsulat ay hindi maganda kaya ang gawaing ito’y ego-destructive lalo na kung ang sulatin ay sa W2 (pangalawang wika)

 

Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat

}  Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay tumutukoy sa pag-iisip.

}  Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

}  Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal.

}   Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng:

       1. Ano ang aking isusulat?

       2. Paano ko iyon isusulat?

       3. Sino ang babasa ng aking isusulat?

       4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?

}  Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang gawaing personal at sosyal.

}  Anuman ang layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso.

Dalawang dimensyon sa pagsulat:

1. Oral Dimensyon

  • Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa  ng isang tekstong isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.

  • Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.

2. Biswal na Dimensyon

  • Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo.

  • Sa dimensyong ito, kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat.

 

MGA PANANAW SA PAGSULAT

  • Ayon kay Donald Murray, ang pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma- at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente.

 

Ayon pa kay Murray, ang pagsulat at isang prosesong rekarsib o paulit-ulit.

                 “Writing is rewriting”.

                                            

  • Matapos diumanong magsulat, magsisimula na namang panibago ang bagong pagsulat.

 

Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat – “A good writer is wasteful”.

Metapora ni Murray:

He saws and shapes and cuts away, discarding wood… The writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials.

  • Sinabi ni Ben Lucian Burman na I am a demon on the subject of revision.I revise,revise,revise,until every word is what I want.

 

PASALITANG DISKURSO

}  Ang pananaw sa pagsasalaysay ay umaayon sa papel na ginagampanan o sa posisyong ginagampanan o kinalalagyan ng tagapagsalaysay sa pagkukwento

}  Unang panauhang pananaw

 – ang tagapagsalaysay ang gumaganap na pangunahing tauhan. Siya ang nagsisiwalat sa mga pangyayari ayon lamang sa sarili niyang karanasan

-kapansin-pansin ang panghalip panaong “Ako”

}  Ikalawang panauhang pananaw

–         Ang pangyayari ay inihahayag ayon sa pagkakasaksi

}  Ikatlong panauhang pananaw

–         Ang tagapagsalaysay ay humihiwalay, ganap na lumalayo sa kwento, kaya parang Diyos niyang nakikita ang lahat, naririnig ang lahat at nalalaman ang lahat ng nangyayari pati nasasaisip at nasasaloob ng mga tauhan

 

Mga Panghalip Panao

}  (Personal Pronoun)
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya

 

Paglinang ng Ideya

  • Pagpili ng Paksa

-pumili ng paksa na may malawak na kabatiran at lubos na kawiwilihan

*brainstorming

*partikular na isyu, mga espesyal na gawain, at mga personal na bagay na pagkakainteresan

 

2. Awdyens/tagapakinig/mambabasa

– isaalang-alang ang demografik na katangian- edad, edukasyon, kasarian, okupasyon, kultural na kaligiran o bakgrawn, lahi, relihiyon, nasyunalidad, mga hiyografik na pinanggalingan at kinamimiyembrohan

 

3. Layunin

               a. mabigyang-aliw ang mga tagapakinig

               b. maipaunawa ang impormasyon

               c. mahikayat na baguhin ang dating    paniniwala

 

Organisayon ng Diskurso

n  1. Kaisahan– ang pangkat ng mga pangungusap ay umiikot sa iisang pangkalahatang ideya, may isang paksang pangungusap na nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga suportang pangungusap. Tumutukoy ang kaisahan sa isang tiyak na katangian o aspeto ng pagpapahayag. Sa literal na kahulugan, ito ay “magkakalapit lahat”. Ang kaisahan sa pagpapahayag ay nangangahulugan na ang lahat ng mga ideya sa talata ay makinis na tumatakbo mula sa isang pangungusap. Sa pamamagitan ng kaisahan sa pagpapahayag, ang mga mambabasa o tagapakinig ay magkakaroon ng kadalian sa pag-unawa sa mga ideyang iyong ipinahahayag.

  •  Kaugnayan– dapat na magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng diwa buhat sa simula hanggang dulong pahayag.  Mahalaga ang papel ng mga salita na ginagamit bilang mga tagapag- ugnay sa talata. Ito ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga bahagi ng pahayag. Ito ay mga palatandaan na tumutulong sa mga mamababasa at tagapakinig para mabigyang- kahulugan ang mga gustong iparating ng tagapagsalita o ng manunulat. Tumutulong din ito upang madala ang diwa ng isang pangungusap patungo sa isa pang pangungusap, talata patungo sa iba pang talata sa iba pang salita o mga parirala. At panghuli, ang pang-ugnay ay tumutulong din upang mapag-ugnay ang mga pangungusap at mga talata upang mapakinis ang takbo ng pahayag para hindi magkaroon ng biglaang pagtalon o pagputol ng mga ideya.

 

 

Mga halimbawa ng pang-ugnay:

Pagdaragdag- at, ulit, pagkatapos, bukod, ano pa
Paghahambing- pero, sa kabilang banda, subalit, gayon man
Pagpapatunay- kung saan, dahil sa, para sa , tunay na, sa katunayan
Pagpapakita ng oras- kaagad, pagkatapos, sa lalong madaling panahon, sa wakas, noon

Pag uulit- sa madaling salita, gaya ng sinabi ko, tandaan
Pagbibigay diin- tiyak, labis, talaga, sa katunayan
Pagpapakita ng Pagkakasunud sunod- Una, pangalawa, pangatlo, a,b,c

Pagbibigay halimbawa- halimbawa, sa ganitong klase, sa ganitong pagkakataon,
Pagbubuod o Pagbibigay ng Kongklusyon- sa madaling salita, bilang resulta, kaya naman, sa pagbubuod

 

  • POSISYON – Tumutukoy ang paraang ito sa kinalalagyan o posisyon ng paksang pangungusap sa loob ng talata.

  • PROPORSYON – Nakasalalay sa pamamaraang ito kung ano at gaano kalawak ang gagawing pagtatalakay sa isang paksa.

  • Pagbibigay-diin – ang pangunahing layunin ay bigyang-diin ang mahalaga at ialis ang mga walang saysay

  •  

PAG UULIT NG SALITA AT TUNOG – Ginagamit upang magbigay diin.

 

Mga Personal na Diskurso

(Ang personal na diskurso ay nagpapakita ng sariling karanasan ng sumulat.)

 

1. Talaarawan

2. Dyornal

3. Awtobiyograpiya

4. Repleksyon

 

Talaarawan

  • Personal na pangyayari sa sarili

—  isang talaan ng mga pangyayari, mga pakikipagtransaksyon, o mga observasyon na arawan o paminsang-minsang ginagawa  (Webster)

—  Pang-araw-araw na tala, lalo na ng sariling karanasan; tala pa rin ito ng mga kaisipan  (Ensayklopidya)

—  Maaring  tawaging matalik na kaibigan sapagkat dito natin nasasabi ang mga pinakapersonal na
karanasan at damdamin nation sa iba o sa ating sarili.

Diary

mula sa salitang Latin na “diarium” na nangangahulugan ng araw o day; talaan ng mga eksperiensya obserbasyon at pag-uugali

 

Dyornal

  • personal na karanasan at planong pansarili

—  isang arawang tala ng mga pansariling gawain, mga repleksyon ng mga nadarama (Webster)

—  hindi lamang sa personal na karanasan ng manunulat kundi sumasaklaw rin sa mga sitwasyong may kinalaman sa ibang tao

Sangkap ng isang jornal

—  Sitwasyon o pangyayari

—  Damdamin

—  Kaisipan

Ilan sa mga dahilan sa pag-sulat ng dyornal:

  • isang travelog

n  TRAVELOG – Isang uri ito ng sulatin tungkol sa diary ng paglalakbay. Noong 1903, iniukol lamang ang katawagang ito sa pagsasalita o paglelektyur tungkol sa pagbiviahe na karaniwang inaalinsabayan ng

2. laman ng mga panaginip
3. kaisipan na maaring konsepto o larawan
4. log buk
5. plano
6. batayan ng ilang sulatin gaya ng biography
7. eklektik
8. imbakan ng mga memorya

 

Ang talaarawan at jornal ay magkasingkahulugan na pwedeng pagpalitin ang gamit. Parehong de petsa ang mga tala. Parehong talaan ng mga magiging alaala bukas (Arrogante, 2009)

 

Bayograpi o Talambuhay

-tungkol sa buhay ng taong namatay na at isinulat ito hindi ng tao mismong namatay noong nabubuhay pa siya kundi ng iba na may interes sa kasaysayan sa buhay niya

Depentibong Talambuhay

-pang-iskolar na trabaho

-importanteng tao lamang ang maaaring pag-ukulan ng masusing pananaliksik at matamang panahon

Awtorisadong Talambuhay

-tungkol sa buhay ng tao na kinomisyon ng kamag-anakan, kaibigan, o kakilala ang sinumang manunulat na pawang posito lamang ang kailangang lamnin.

Karaniwang Talambuhay

-tapat sa katotohanan at tiyak ang mga katibayan para maitulad sa sarili ng mambabasa ang kanyang naging mga karanasan at pagkatao

 

Awtobiyograpi

-tungkol sa kasaysayan ng tunay na buhay ng tao na siya mismo ang sumulat

 

Repleksyon

n  Tinatalakay sa sulating ito ang mga kasaysayan ng pagbabago sa sarili
sa pamamagitan ng teksto o ng mga karanasan.

n  Personal na pagpapahayag ng iyong saloobin

n  Malalim ang pagtatalakay

Katangian:
a. sarili ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon 
b. naipakikita ng kaugnayan ng teksto sa iyong buhay

c. Gumagamit ng unang panauhan.

 

Mga Uri ng Pagpapahayag

a)      Pasalaysay (Naratib) – may layuning magkwento ng magkakaugnay na pangyayari; makukulay na karanasan sa buhay

Karanasang Tuwiran o Direct – ang karanasan ay maaaring makuha nang tuwiran (direct). Tuwiran ito kung galing sa sariling pagkadanas o pagkasangkot.

Karanasang Baykaryos – kung ang kaalaman ay nakukuha lamang sa iba, maaaring nabasa sa mga aklat o mga babasahin, narinig sa kung sino, nabalitaan sa mass media, o naikwento ng kapitbahay.

Uri ng Pasalaysay/ Naratib:

a)      Pagsasalaysay na totoo– base sa tumpak, tiyak at tunay na mga pangyayari

b)      Pagsasalaysay na likhang-isip – kinabibilangan n mga mito, fabula, parabola, anekdota, palaisipan, maikling kweno at nobela

Pananaw sa Pagsasalaysay- Nagsasaad ng personal na kaugnayan ng tagapagsalaysay sa paksang kanyang tinatalakay o

                                                            sa mga pangyayaring kanyang ikinukwento.

Kasangkapan sa Pagsasalaysay:

a)      Tema – may kabuluhan sa kinauukulan – nakikinig, bumabasa, o nanonood

b)      Tauhan – ang nag-iisip at kumikilos sa kwento kaya nagkakaroon ng mga pangyayari

c)      Aksyon o Pangyayari – ang aksyon ang kalansay na kinakapitan ng iba pang mahahalagang sangkap para mabuo ang anyong kalamnan

d)      Tagpuan – pook at panahon ang ipinakakahulugan ng tagpuan sa salaysay

e)      Himig – kung papaano isinasalaysay ang isang pangyayari o ang anumang materyal para lumabas nang naaayon sa kagustuhang mangyari ng tagapagsalaysay

 

b)      Paglalarawan (Deskriptib) – Naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig;                pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig at nadarama

 

Uri ng Paglalarawan:

  • Pangkaraniwang Paglalarawan – nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro-kuro

Konkretong Paglalarawan –  ito ay naglalarawan ng literal at ginagamit dito ang nga pangkaraniwang paglalarawan gaya ng ,maganda ,maayos,malinis atbp..

 

  • Masining na Paglalarawan – ang guni-guni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na larawan

Abstraktong Paglalarawan – naglalarawan na gumagamit ng nga di literal na paglalarawan inaaniban ito ng mga idyomatikong paglalarawan.Sangkot ang sariling damdamin ng sumusulat at gumagamit ng mga tayutay sa ganitong uri ng paglalarawan

               Hakbanging Dapat Tandaan Tungo Sa Mabisang Paglalarawan:

  • Pagpili ng Paksa – Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na  Ilalarawan; tulad sa ibang uri o anyo ng sulatin, ang paksa ang laging unang isinasaisip

  • Pagbuo ng Pangunahing Larawan – ito ang pangkalahatang kabuuan ng isang tao, hayop, bagay,  pook, o pangyayari na nais agad maitanim sa isip ng mambabasa o tagapakinig.

  • Pagpili ng Sariling Pananaw – pansariling pagtingin ng tagapaglarawan

  • Pagkakaroon ng Kaisahan – bawat detalyeng babanggitin sa paglalarawan dapat ay tumutulong sa pagbuo o kabuuan ng isang pangunahing bagay o anupamang inilalarawan.

  • Pagpapayabong sa mga Aspetong Isasama sa Paglalarawan – Hindi lamang mga nagkakauri-uring katangian ang dapat na isama sa paglalarawan, mas mainam kung mapalulutang lalo ang kaibahan nito sa lahat ng mga kauri.

 

c)      Paglalahad (Ekspositori) – Tungkulin nito na humanap ng kalinawan at humawi sa ulap ng pag-aalinlangan.

pagpapaliwanag; ginagamit sa pagsagot sa mga tanong na nangangailangan ng pagsasanay na kasagutan, pagsulat ng mga ulat tungkol sa Agham at Kasaysayan, pagsusuri sa maikling kwento at mga nobela at pagpapaliwanag sa iba’t ibang aralin sa paaralan

Expository Writing

—  Madalas makita sa araw-araw nating binabasa tulad ng teksbuk, editoryal, artikulo sa dyaryo

—  Pagpapaliwanag na obhektibo

 

Mga Bahagi ng Paglalahad

1. Simula– magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa ng katha

               a. Katanungan

               b. Pangungusap na makatawag-pansin

               c. Pambungad na pasalaysay

               d. Isang salitain

               e. Isang sipi

               f. Mabatas na pangungusap

               g. Tahasan o tuwirang simula

        2. Katawan – nilalaman ng isang pahayag

        3.  Wakas – maaaring buod, tanong, panghuhula sa maaaring mangyari, pagsariwa sa suliraning binanggit sa simula, pagamit ng    kasabihan o siping angkop sa akda

                                                      

       Mga Kaanyuan ng Paglalahad

1. Paglalahad sa Anyong Panuto -pagiisa-isang mga hakbangin sa paggawa ng isang bagay

2.Paglalahad sa Anyong Pagbibigay-Katuturan- pagpapaliwanag ng kahulugan ng salita o diwa

3.Paglalahad sa Anyong Interpretasyon -nagpapaliwanag ng palagay hinggil sa isang layunin

4. Paglalahad sa Anyong Pagkilala- paglalahad sa mga kalagayang pantao

5. Paglalahad sa Anyong Editoryal o Tudling- napapanahong editoryal na punong-puno ng kahulugan at pahiwatig

 

d)      Pangangatwiran (Argumentatib) – may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita. Pagpapahayag na may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng  makatwirang mga pananalita

Diskursong Argyumentatib (Pangangatwiran)

  • isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason kalakip ang mga ebidensya

  • kasingkahulugan ng pagbibigay-palagay, paghuhula, pag-aakala, pagsasapantaha at paghihinuha.

  • layunin nitong makapagpahayag ng matitinong kaisipan o kaalaman bilang pagpapatunay sa isang maayos, epektibo, at lohikal na pamamaraan

  • ang paksa ng pangangatwiran ay tinatawag na proposisyon

 

Dalawang Uri ng Pangangatwiran

1.Pabuod o Inductive Method

  • sinisimulan ito sa partikular na pangyayari, katotohanan o kalagayan at tinatapos sa isang katotohanang pangkalahatan sapagkat dinaraanan muna sa iba’t-ibang obserbasyon at paulit-ulit na eksperimentasyon at pagsusuri bago ang paglalahat kapag narating na ang katotohanan o prinsipyo

2.Silohismo o Deductive Method

  • pangangatwiran na lohikal na lohikal kung maghayag ng katotohanan

  • panghahawakan muna ang isang pangunahing batayan, saka susundan ng pangalawang batayan at dito ngayon ibabase ang konklusyon

 

EDITORYAL

-pinakamahalagang bahagi ng pahayagan o magasin-KALULUWA
-paglalahad ng mga kuru-kuro ng patnugot ng pahayagan na bunga ng isang pag-aaral tungkol sa isang pangyayari sa bayan, pamahalaan, tanghalan, atbp.
-kasasalaminan ng kalakaran, programa at paninindigan ng isang pahayagan lalo na sa isang isyu o pangyayari na may malaking kahalagahan sa bayan
-kababakasan ng kahusayan sa pagmamasid, sapat na kinalaman tungkol sa mga tao at mga bagay-bagay, katalasan ng pagkakilala sa tunay na kahulugan ng mga pangyayari at ang mayamang damdamin ng sumusulat
-kilala rin sa tawag na pangulong-tudling
-maaaring tungkol sa pulitika, relihiyon, sining, edukasyon, isport o kultura

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG EDITORYAL
-subuking hikayatin ang mga mambabasa
-gawing malinaw ang pagpapahayag ng kuru-kuro
-gawing makatwiran ang mga kaisipan, palagay o kuru-kuro
-gawing sistematiko ang paglalahad ng mga kaisipan mula sa simula hanggang wakas
-isang paksa lamang ang talakayin
-huwag mangaral
-huwag  magbigay o gumawa ng mga impormasyon batay sa mga palagay lamang
-hayaang makabuo ng sariling pagpapasya ang mambabasa

BAHAGI NG EDITORYAL
PANIMULA-bumabanggit sa isyung tatalakayin. Karaniwang napapanahon o kalagayan sa lipunan
KATAWAN-nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro ng pahayagan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag o paglalahad ng isyu sa paraang madaling unawain at malinaw para sa mga mambabasa. Dito nagbibigay ng tala, ng pagpanig o pagsalungat sa isyu o pagbibigay-halimbawa ang sumulat.
WAKAS-nagpapahayag ng kaisipang nais ikintal. Maaari itong maglagom o magbigay diin sa kaisipang tinatalakay. Dito ipinahahayag ang panghihikayat at pagpapakilos sa mambabasa tungo sa pagbabago.

URI NG EDITORYAL
1. Nagpapabatid-nagpapaliwanag tungkol sa isyu. Nililinaw nito ang mga bagay na may kaugnayan sa kasalukuyang isyu upang matulungan ang mga mambabasa na magkaroon ng buong kaalaman tungkol sa tinatalakay na paksa.
2. Nangangatwiran-lohikal na pinangangatwiranan ang isang panig ng isyu upang patunayan ang isang paninidigan
3. Nanghihikayat-tuwirang nananawagan sa mga mambabasa na suportahan ang isang programa, balak o kilos. Nililinaw rin nito ang dahilan kung bakit dapat susugan ang isang gawain.
4. Nagpapakahulugan o Nagkokomentaryo-ipinaliliwanag ang kahulugan ng balita kaugnay ng iba pang pangyayari
5. Namumuna-ibinibigay ang mga puna at mungkahi hinggil sa isang isyu
6. Nagpapahalaga-pinahahalagahan ang nagawa ng isang tao, pinupuri ang kalagayan ng institusyon o gawain o pinararangalan ang isang dakilang adhikain
7. Nanlilibang-naglalayong libangin ang mambabasa habang nagmumungkahi ng isang makatwirang gawain
8. Nagbabalita-nagpapahayag ng isang natatanging balita na siyang laman ng usap-usapan sa buong kapuluan. Nagbibigay ng opinyon ng editor tungkol sa isyu
9. Sumasalungat-tuwirang pagsalungat sa opinyon ng ibang editor na inilathala sa ibang pahayagan

 

PAGBIBIGAY-DEPINISYON O KAHULUGAN – pagbibigay katuturan sa isang salita o termino

               Sa pagpapahayag, gamitin ang mga salitang pamilyar.sakaling hindi maiwasan ang paggamit ng mga di-pamilyar o mahihirap intindihing salita o konsepto, tulad sa mga salitang teknikal, sayantifik, o kaya’y legal, dahil ganito ang mga rejister ng ispiker ayon sa kanyang kinasanayang profesyon, mas makabubuting paraanin sa paglilinaw ang pagbibigay ng depinisyon.

Mga Uri ng Depinisyon (Paraan ng Pagbibigay Depinisyon)

  •  Diksyunaryong definisyon – kumakategorya sa bagay o konsepto at tumitiyak sa mga katangian nito

  • Depinisyong istipyulatib – nakakondisyon sa gamit ng salita sa konteksto

  • Depinisyong negatibo – nabibigyan ng kaibang pananaw ang isang karaniwang bagay

  • Depinisyong eksemplar – o pagbibigay halimbawa, ang isa sa itinuturing na pinakamagaling at pinakagamiting uri ng pagbibigay-definisyon

  • Depinisyong kontekswal – inaayon sa partikular na sitwasyon ang gamit ng salita

 

bottom of page