top of page

MGA POLISIYA SA KLASe (Sir paolo galupo)

 

Kagawaran ng Filipino

Kolehiyo ng mga Sining at Agham

 

Pamantasan ng Xavier-Ateneo de Cagayan

 

MGA IMPORMASYON AT POLISIYA SA KLASE

 

FILIPINO 22-Komunikasyon sa Akademikong Filipino    Unang Semestre 2015-2016

FILIPINO 33-Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

FILIPINO 44-Masining na Pagpapahayag

G. Paolo R. Galupo, MAEd

 

Kontak:

E-mail: pgalupo@xu.edu.ph

Telepono: (08822) 858-3116/72-3116 loc 3003/8

 

A. Iskedyul

 

AMDG

ISKEDYUL NG KLASE para sa

Unang Semestre TP 2015-2016

 

LUNES at HUWEBES

10:30 NU        FIL 44 EDA                            C 401

 

1:30 NH          FIL 44 XD                              A 201

 

4:30 NH          FIL 38 EDA                           SS 5A

 

MARTES at BIYERNES

7:30 NU       FIL 44 XE                               STC 505

 

1:30       NH       FIL 22 BC                         C 504

 

4:30                    FIL 44 YA                          STC 502

 

MIYERKULES at SABADO

7:30 NU              FIL 44 FRGR                  STC 505

 

MIYERKULES LAMANG

1:30 NH              FIL 33 YA                       STC 505

Oras ng Konsultasyon

(Tanggapan sa Kagawaran ng Filipino) SS 206

Lunes at Huwebes 3:00-4:30NH

Martes Miyerkules at Biyernes 9:00NU-12:00NT

            

 

    

Inaasahan ang mga estudyante na kumunsulta sa instraktor sa panahon ng nasabing oras na may kinalaman sa kurso, perpormans at ibang bagay.

*Magbigay alam sa instraktor para sa konsultasyon isang araw bago ang naitakdang oras.

 

B. Mga Kahingian ng Kurso

 

  • Pakikilahok

  • Takdang Aralin/Pasulit/Pagsasanay

  • Prelim at Pagtatalumpati para sa FIL 22

  • Mga Pangunahing Eksam (Midterm at Final)

  • Sining ng Pagkukuwento para sa FIL 44

  • Papel Riserts para sa FIL 33

  • Dyornal

  • Papel Reaksyon/Repleksyon/IPP-CERAE

  • Atendans

 

 

 

  • Pakikilahok-Umayos dapat ang isang estudyante lalo na sa aktibong pag-iisip, repleksyon, pagbabahagi ng ideya o kaisipan na may kinalaman sa talakayan sa hinggil sa naturang paksa. Kasama na rito ang pagtatanong o pagtutol sa anumang bagay na pang-akademiko.

 

  • Takdang-aralin,Pasulit,Pagsasanay-Dapat ipasa ang takdang-aralin sa tamang oras/petsa upang maiwasan ang pagkaltas ng 50% mula sa kabuuang iskor. Walang espesyal na pasulit o pagsasanay sa mga lumiban sa klase. Ibinibigay ang mga ito halos sa pagkikita sa klase.

 

  • Prelim na Proyekto at Pagtatalumpati-Para sa FIL 22, kailangan sumunod sa rubrik at tuntunin ang pagpasa sa proyekto bilang awdyo-biswal na presentasyon (AVP) na hindi lalagpas sa 15 minuto at kukulangin sa 10 minuto at sa Flash Drive lamang ilagay ang AVP. Ang Pagtatalumpati ay isang semi-final na eksam. Kailangan ang kopya o piyesa (maaring sariling gawa) sa isang short bond paper na may 1.5 na espasyo kasama ang istandard na pormat (apelyido, pangalan, kurso at taon, asignatura at seksyon at petsa ng pagsumite. Hindi lalagpas sa 3 minuto ang ito at kukulangin sa 1 minuto. May kaltas sa puntos ang hindi pagsunod sa mga panuto.

 

Ang pormat sa lahat ng ipapasang pasulat na awtput ay ARIAL o TIMES NEW ROMANS, 12 ang sukat ng karakteres o ponte ay 1.5 na espasyo. MAIKLING BOND PAPER ang sukat ng dokumento.

 

Ang hindi pagsumite ng pasulat na awtput (dyornal, repleksyon, IPP/CERAE, reaksyon) ay babagsak sa klase sapagkat bawat awtput ay may 50 puntos ang nakalaan at 100 puntos sa IPP/CERAE. Kaya kailangan ipasa ang lahat ng mga kahingian sa kurso.  

 

*Ang estudyanteng lumiban sa klase at hindi nagpasa sa mga kahingian ay maaaring mabigyan ng pagkakataon kung malubha na ang dahilan at may dokumentong magpapatunay.

 

  • Mga Pangunahing Eksam-Midterm at Pinal na Pagsusulit ang mga pangunahing eksam. Ibig sabihin, malaking bahagdan (tig 30%) ang nakalaan sa pagmamarka sa isang estudyante. Sakaling lumiban sa klase, kailangan ng liham at mga dokumento sa pagpapatunay na may mahahalang nangyari.

 

  • Sining ng Pagkukuwento-Para sa FIL 44, Kailangan sundin ang rubric at ito ay isang semi-final na eksam. Ang isang kwentista ay may 5 minuto na palugit upang maisakatuparan ang kahilingan. Ang kuwento ay maaaring sariling gawa, adapsyon o di kaya’y may modipikasyon. Kung ito ay hindi sa iyo, huwag kalimutan na bigyang pagpapakilala ang orihinal na may-akda sa kuwento.

 

  • Papel Riserts-Para sa FIL 33, Kailangan sundin ang rubrik sa paggawa ng papel riserts sa pamamagitan ng pangkatang gawain. Dadaan sa proseso ang bawat pangkat sa paggawa at pagsasaliksik hinggil sa kanilang pananaliksik kasama ang limang kabanata at iba’t ibang bahagi ng papel riserts. Inaasahan ang pagpasa sa bawat kabanata, konsultasyon at diskasyon patungkol sa daloy at kaunlaran ng pananaliksik.

 

  • Dyornal-Ito ay isang awtput na pasulat na pampersonal sa estudyante. Maaaring gawing malikhain ang pagsulat ng dyornal na nakatuon sa naibigay na paksa. Sundin ang istandard na pormat.

 

  • Papel Reaksyon, Repleksyon, IPP/CERAE-Ito ay isang awtput na pasulat na may kinalaman sa isang isyung panlipunan, teknolohiya, etika, kalusugan, edukasyon, pulitika, at iba pa na akma sa pang-akademikong papel.

 

Pagkatapos sa pagpanood ng isang pelikula, inaasahan bubuo ng awtput na pasulat na pang-repleksyon lamang. Mayroong magkahiwalay na tuntunin ang pagsulat ng IPP/CERAE bilang isang Pinal na Proyekto.

 

  • Atendans-Hindi dapat lalagpas sa 7 na pagliban sa klase alinsunod sa tuntunin ng Pamantasan.   

 

Grado

 

Sistema ng Grado:                                                                 Pagkuha ng Bahagdan:

 

                                                                                                sariling iskor                x          100

Pinal na Eksam………………………………..= 30%             kabuuang iskor

 

            +                                                                                  0          = F

                                                                                                50        = D

Midterm na Grado……………………………..= 35%         60        = C

                                                                                                68        = B-

            +                                                                                  76        = B

                                                                                                84        = A-

                                                                                                92        = A

Semi-Final Perporman sa Klase……………...= 35%

 

PINAL NA GRADO…………………………….= 100%

 

Puna: Sa asignatura Filipino, kailangan ang pagdiskas hinggil sa mga kaisipan ngunit mas epektibo ang mga ito kung may mabuting artikulasyon or paglalahad ng isang ideya ay integral sa talakayan at pag-unawa. Kaya, esensyal ang gramar, ispeling, sulat-kamay, presentasyon at organisasyon ng awtput na pasulat, paggamit ng wika, kaisahan at kohirens ay mga mahahalagang bagay sa pagtamo at pagpuna ng perpormans sa klase.

 

C. Karagdagang Babasahin

 

*Is this a good attitude? http://moreintelligentlife.com/story/david-foster-wallace-in-his-own-words

 

*Structured Procrastination: http://www.structuredprocrastination.com/

 

*Dan Ariely on procrastination and self-control: http://danariely.com/2009/08/24/procrastination-and-self-control-2/

 

*How to take Cornell notes:

 

http://thesiswhisperer.com/2012/12/12/turn-your-notes-into-writing-using-the-cornell-method/

 

http://lifehacker.com.202418/geek-to-live--take-study+worthy-lecture-notes

 

http://www.timeatlas.com/5minutetips/general/wordtemplatesandcornellnotetaking#.UXjYQL9K6fQ

 

*Accepting the way you work: http://chronicle.com/article/Accepting-the-Way-You-Work/130465/

 

*Make sure that you’re using tech tools, not that they are using you: http://www.structuredprocrastination.com/light/laptops.php

 

*Coping with distractions: http://chronicle.com/article/Youre-Distracted-This/138079/

 

 

D. Atendans sa Klase at Tamang Oras sa Pagpasok

 

Isa sa mga kahingian ang pagpasok sa klase o atendans. AF ang grado sa estudyante kung lumagpas na sa 7 ang pagliliban. Magsisimula ang pag-tesk ng atendans pagkatapos ng 15 minuto. Mamarkahan ng instraktor ng petsa sa pagliban ang estudyante. Kung pumasok siya pagkatapos ng 15 minuto, maaari siyang magpapatuloy sa klase kung ninanais niya.

 

E. Pangklasrum na Pag-uugali

 

Kung mangyari sana na magpokus at bigyang-atensyon habang may diskasyon o nagsasalita sa loob ng klasrum. Bawal ang pag-usap sa katabi sa kahit anong paraan maliban nalang kung may panuto mula sa instraktor. Ang estudyanteng magsasalita sa klase, nagpapakita ng di kanais-nais na ugali at nagiging distraksyon sa talakayan ay ipapalabas ng instraktor.

 

Walang ibang gagawin sa klase kundi makinig at kung kinakailangan ay magsulat ng nota. Ang paggamit ng mga elektronikong bagay tulad ng cellphone, smartphone, iphone, ipad, ipod, headset at ibang pang-elektroniko ay BAWAL sa loob ng klasrum. Kailangan ayusin ang sonata ng elektronikong bagay upang sa ganon ito ay hindi maglilikha ng ingay o distraksyon sa klase at dapat itago. Kung nagpapakita ng paglabag sa polisya ng mga elektronikong bagay, ipapalabas ng instraktor ang estudyante.  

 

Kung hinggil ito sa pambansang seguridad at emerhensya, bagyo, delubyo at digmaan, maaaring sagutin ang tawag.

 

Hindi na kailangan humingi ng permisyon sa klase kung ninanais ang pagpunta sa silid palikuran. Subalit, kung nakikita ng instraktor na ito ay nagiging ugali na, matatangal ang naturang pribilehiyo at hindi na maaaring makalabas. Mamarkahan ng pagliliban sa klase ang estudyante.

 

Bawal rin ang paggamit ng Internet sa loob ng klase lalo na sa panahon ng pasulit.

 

F. Akademikong Integridad

 

Ang Pamantasan ng Xavier bilang ahente ng katotohanan ay inaasahan ang lahat ng estudyante na laging tapat at sumusunod sa tuntunin at mandato alinsunod sa naturang regulasyon. Ang plagiyarismo at lahat ng gawaing pagdaraya ay mahigpit na ipinagbabawal. Lahat ng kaso ng pagdaraya ay ipagbibigay-alam sa mga awtoridad sa Pamantasan. Lahat ng kahingian sa kurso lalo na ang awtput na pasulat ay kailangan ng wastong dokumentong parentetikal o pagpapakilala ng pinagmumulan o pinag-aarian ng sors.

 

Ang plagiyarismo ay isang pagrepresentar ng isang trabaho o gawa, kaisipan, pangungusap, linya, litrato, awit, talata, komposisyon at akda na inangkin bilang sa kanya at hinahayaan ang hindi pagbigay ng kredit sa gawa. Ang hindi na lalagyan ng sors, panipi at dokumentong parentetikal ay nagmumula sa estudyante. Kaya mag-ingat sa pagsulat ng awtput.   

 

 

 

 

“Ad Majorem Dei Gloriam.” 
― St. Ignatius of Loyola

bottom of page