IPP/CERAE
IGNATIAN PEDAGOGICAL PARADIGM/CERAE
Ang Ignatian pedagogical paradigm o CERAE ay metodo para mabigyang daan ang pagkatuto ng isang tao na mula ang pedagogikal sa Ispiritwal na Pag-ensayo ni San Ignacio de Loyola, isa sa mga pundador ng Kapisanan ni Hesus (Jesuits). Ang tatlong pangunahing elemento ay ang Karanasan (Experience), Repleksyon (Reflection) at Aksyon (Action). Ang Konteksto (Context) ay bago pa sa pagkatuto habang ang Ebalwasyon (Evaluation) ay pagkatapos ng pagkatuto. Si San Ignacio gumamit nito . ng limang dinamikong hakbang kasama ang kanyang bisyon ng tao and sanlibutan na makasama ang gustong matuto sa paghubog at paglinang. Ginagamit din ang IPP o CERAE sa mga spiritual retreat at karanasang pagkatuto bilang isang gabay sa paglinang at paghubog ng sariling konsensya at sa pagbuo ng mga magandang at tamang desisyon.
Ang IPP o CERAE ay ginamit mahigit 450 na taon. Sa taong 1599, ang unang bersiyon ng metodo ay inilimbag sa Ratio Studiorum (Latin ng "pagplano ng aral).
KONTEKSTO (Context)
Sa konteksto, dapat pahalagahan ang pagiging tao ng isang indibidwal. Kasama na dito ang mag-aaral. Tinitingnan ang kabuuang konteksto ng isang mag-aaral at ang kanyang buhay, pamilya, mga kaibigan, panlipunang isyu, pang-edukasyong institusyon, politika, ekonomiks, kultural na klima, Simbahang sitwasyon, medya, musika at marami pang ibang konteksto.
Ang sosyo-ekonomiks, politikal at kultural na konteksto ay dapat isaalang-alang at huwag kalimutan sapagkat ang mga ito ay nakakaapekto sa paglinang ng mag-aaral bilang isang tao para sa kapwa. Kultura ng kahirapan ay may negatibong apekto hinggil sa isang inaasahang mangyayari gaya ng tagumpay at sistema ng pamahalaan at lipunan na kung saan hinaharang ang karapatang malaman ang katotohanan. Ang mga ito ay isang pagkakataon na maging makibaka na gustong mangyari ayon kay San Ignacio.
Gaya ng nabanggit, ang pampaaralang kapaligiran ng isang pagkatuto ay bahagi rin ng konteksto.
Bago ang pagkatuto at konteksto, bahagi na rin ang mga dating kaalaman o pagkatuto na kung saan nakuha ng mag-aaral mula sa kanyang kapaligiran kasama ang mga nararamdaman at ugali patungkol sa pangunahing paksa ay bahagi ng tunay na konteksto para sa pagkatuto.
KARANASAN (Experience)
Ang Karanasan ayon kay San Ignacio ay dapat “tikman ang isang bagay” na kung saan inaasahan sa karanasang pagkatuto ay humakbang sa nakakahigit batay sa kaalaman hanggang sa kaunlaran ng mga kakayahan gaya ng pag-unawa, aplikasyon, analisis, sintesis, at ebalwasyon. Ginamit ang terminong karanasan upang mailarawan ang isang aktibiti na makakatulong sa pag-uanawa o ang kognitib na kakayahan batay sa isang paksa na kung saan nakarehistro ito sa isang mag-aaral. Sa karanasan, binigyang-pansin ni San Ignacio ang apektib/ebalwatib na hakbang ng prosesong pagkatuto dahil mahalaga ang konsensya at ang sarili. Dagdag pa, upang ‘matikman ang sensya’ kailangan ang malalim na karanasan, apektib na dama ay mga pwersa ng motibasyon upang ang mag-aaral ay may daloy ng kaunawan tungo sa paggawa at pagiging komitado.
Ang mag-aaral ay maglaan ng panahon para sa pagkalap at pagbalik-aral ng sariling karanasan upang mas lalong maintindihan ang mga bagay-bagay na dating may alam na sa mga terminong hinggil sa paktwal na bagay, mga dama, pagpapahalaga, pananaw at ideya para masaklaw sa pag-aaral. Ngunit, sa pag-organisa ng datos lamang na ang karanasan ay maintindihan bilang buo, sa pagsagot ng tanong na: “Ano ang mga ito?” at “Paano ako mag-reak sa mga ito?” ay kailangan ang mag-aaral na atentib at aktib sa pagtamo ng komprehensyon at pag-unawa sa katotohanan.
REPLEKSYON (Reflection)
Ito ang pinakamalaman ng pedagogi. Ito ang hakbang na kung paano ang mag-aaral ay gumawa ng sariling karanasang pagkatuto at makuha ang kahulugan ng karanasang pinagdaanan.
Ang Repleksyon ay nangangahulugang mapang-isip na muling pagsasaalang-alang ng pangunahing paksa, karanasan, ideya, layunin at reaksyon saklaw sa pagkaintindi bilang mahalagang bagay. Pinapakita sa repleksyon kung paano ang kahulugan ay nagiging bahagi ng pantaong karanasan. Memorya, pag-unawa, imahinasyon at dama ay ginamit sa paglantaw ng kahulugan at pagpapahalaga ng pangunahing paksa at matuklasan ang kaugnayan ng ibang anyo ng kaalaman at aktibiti at unawain ang implikasyon sa pagtuklas ng katotohanan at kalayaan. Ang pang-Ignatian na pagkatuto ay hindi lamang tumitigil sa karanasan. Kung mangyayari ang pagtigil, may kulang sa komponent ng repleksyon na kung saan ang kahulugan at kahalagahan nasa mataas na lebel at ang integrasyon ng kahulugan ay nailipat sa kompetens, konsensya at kompasyon. Ang mag-aaral ay isaalang-alang ang kahulugan ng materyales sa kanya at sa kanyang personal na kaugnayan.
AKSYON (Action)
Ang Aksyon ay nangunguhulugang pang-internal na estado ng mag-aaral na saklaw sa mga ugali, prayoridad o preperensya, kompromiso, pagpapahalaga, ideya at paghubog---paggawa ng aksyon para sa kapwa. Si San Ignacio de Loyola ay nagsabi na hindi lamang sapat sa Panginnon ang paglilingkod sa Kanya kundi ang mas lalong paggawa ng aksyon tulad ng serbisyo ang paggawa ng Magis—ang paggawa ng mas nakakahigit pa kay sa ano ang kinakailangan.
Ang Pang-edukasyong Heswita ay hindi lamang nagtatapos sa personal na kaganahan. Kundi ito ay may kagustuhang mahubog ang mag-aaral sa paggawa ng konkretong aksyon. Ang layunin ay hindi lamang sa pagtuto ng kaisipan kundi baguhin ang tao para sa ikakaunlad ng kanyang katauhan, pagkalinga ng tao sa kapwa tao sa mas napapaunlad na konsensya.
EBALWASYON (Evaluation)
Peryodikal na ebalwasyon ng mag-aaral patungkol sa kanyang paglinang ay esensyal. Sa pedagogi, sinusukat nang buong kataasan ang tagumpay sa intelektwal, malikhaing talento o pang-atletikong abilidad. Tinitingnan ng ebalwasyon ang pagsukat sa mga bagay nabanggit at upang mabigyang-pansin ang tunay na kinakailangan at pag-unawa ng mag-aaral at kanyang sariling moral na paglinang.
Pumili ng isang paksa nasa loob ng kahon upang gawing CERAE at maglaan ng panahon para sa pagsasaliksik ng napiling paksa.
Pork Barrel Scam Xavier University-Ateneo de Cagayan Cagayan de Oro City
Wikang Filipino DAP Banyagang Bansa Pag-ibig Pope Francis
St. Ignatius of Loyola “Spirited Away” St. Francis Xavier Wikang Filipino Climate Change
Teknolohiya Kalinaw Mindanaw Janet Napoles Kultural Pinoy Pilipinas
Magpokus sa konteksto ng napiling paksa. Sa KONTEKSTO, ito ang katotohanan at pananaw na may matibay na kaugnayan sa mga nangyayari. Dapat lantad ang mga talata hinggil sa paksang napili at maaaring magdagdag ng litrato patungkol sa napiling paksa. Lantad din ang banghay hinggil sa paksa.
Mga panggabay na tanong sa .
Ano ang mga makabuluhang pananaw ang nagustuhan ko sa paksa?
Ano ang saklaw at pananaw sa napiling paksa?
Ano ang natutunan ko sa napiling paksa?
Sa KARANASAN, i-ugnay ang napiling paksa sa iyong sariling karanasan na kung saan nagbigay daan sa pagbabago at pagpapahalaga. Inaasahan dito ang pagsulat hinggil sa sariling karanasan ng mag-aaral batay sa napiling paksa at sa pag-unlad ng kanyang kaalaman, dama o emosyon at pananaw. Ibabahagi ng mag-aaral ang saklaw ng paksa at ang kanyang nalalaman sa paksa sa pamamagitan ng pagsasaliksik. Dapat bigyan pansin ang pinagmulan ng sors. Kailangan ng awtentikong impormasyon sa karanasan upang mabigyang kahulugan ang paksa.
Mga panggabay na tanong:
Ano ang pinagdaanan ko sa aking karaanasan na nagbago sa pagpapahaga ng pananaw ng mga nangyayari sa buhay?
Ano ang mga emosyon at dama naghahari sa aking sariling pananaw batay sa napiling paksa?
*Maaaring maglaan ng espasyo para sa mga litrato na may kaugnayan sa napiling paksa.
Sa REPLEKSYON, ito ang pinakasentro sa IPP o CERAE. Gagamitin ng mag-aaral ang kanyang memorya, pag-unawa, imahinasyon at emosyon upang makuha ang tunay na kahulugan at kahalagahan sa napiling paksa, pagtuklas ng kaugnayan ng paksa at pasasalamatan ang implikasyon sa pagtuklas ng katotohanan.
Mga panggabay na tanong:
Ano ang epekto ng napiling paksa tungo sa transpormasyon ng lipunan?
Ano ang nararamdaman ko tuwing naririnig ang napiling paksa? Ano ang mga emosyon nanaig sa aking repleksyon?
Ano ang mga bagay hinggil sa napiling paksa ang nagpapadaloy sa aking repleksyon? Ano ang mga punto sa napiling paksa ang nagpapahalaga sa aking buhay?
Sa AKSYON, nakaagapay ang paghubog ng mag-aaral tungo sa transpormasyon ng lipunan kasama ang mga ugali, pagpapahalaga at ideya. Pagkatapos ng repleksyon, isasaalang-alang ng mag-aaral ang kanyang karanasan mula sa pagiging personal. Sa kognitib na pananaw, kasama ang positibo o negatibo apeksyon o emosyon, may paggalaw ng estadong konsyus. Ang kahulugan at katotohanan na napag-alaman ng mag-aaral ay humantong sa sariling pagpapasya at paghuhusga. Batay sa mga pinagdaanan at natanggap na mga impormasyon, kailangan ng AKSYON hinggil sa napiling paksa.
Mga panggabay na tanong:
Bilang isang mag-aaral, ano ang konkretong aksyon ang gagawin ko alang-alang sa transpormasyon ng lipunan? Paano ko ito gamitin at gawin?
Ano ang ibig sabihin ng AMDG o “Ad Majorem Dei Gloriam” na may kaugnayan sa aking Aksyon?
Sa EBALWASYON, matutunghayan sa huling pormatibong aspeto ng buhay ang pagiging mapagkalinga sa kapwa tao. Isa sa mga layunin ng pang-edukasyong Heswita ang pormasyon o paghubog ng isang mag-aaral. Ang mga aksyon at prayoridad sa buhay na may kinalaman sa pagiging tao para sa kapwa tao ay mahalaga at esensyal.
Ano ang indikasyon bilang isang mag-aaral tungo sa pagiging kabalikat ng pagbabago?
Ano ang mga akmang indekeytor ng isang di pantay na estruktura ng lipunan? Gaya ng kahirapan, kurapsyon, kapaligiran, ekonomiya, politika at iba pa.
AKSYON (ACTION)
Ano ba ang gagawin ko?Saan ba ako magsisimula? Ang isyu ng pork barrel ay napapanahon dahil kailangan natin ng pagbabago at pagiging matuwid para sa transpormasyon ng ating lipunan. Nagugustuhan ko ang ugali at pananaw ng isang Atenista na kung saan nakikibaka sa mga isyu ng lipunan gaya ng Tabang Zambo o di kaya yung Hustisya sa CDO Bombing. Kahit mag-aaral lamang ako, natutulong ko sa aking makakaya ang naghihirap at nagiging biktima ng kurapsyon. Sa huli, nagsisimula sa aking sarili ang aksyon.
EBALWASYON (EVALUATION)
Isa sa mga indikasyon patungkol sa pork barrel ang pagiging matapang sa pagharap ng mga isyu sa lipunan at ang pakikibaka sa loob ng paaralan at sensitib sa labas. Isang biyaya ang pagiging isang mag-aaral sa Pamantasan ng Xavier sapagkat nakikita ko ang aking sarili na magiging mabuting Pilipino kahit ako ay isang mag-aaral. Balang araw, sa pagtapos at paglabas ko sa pamantasan bilang isang nagsisipagtapos, dadalhin at gagawin ko ang turo ni San Ignacio na ang pagiging tao sa kapwa tao.
Sors:
http://www.google.com.ph/search?q=pork+barrel&btnG=Pangita&tbm=isch&hl=ceb&gbv=2
http://www.sjweb.info/documents/education/pedagogy_en.pdf
http://www.mu.edu/cps/documents/IPPArticle.pdf
sa Cagayan de Oro City. Sa paglabas ko sa paaralan pagkatapos ng aking klase, nakikita ko ang mga naglilimos at agad ako napag-isip na kung sana nilaan na lamang ang pundo sa mga Pilipino naghihirap. Kahit kunti lamang ang baon ko at ako ay nag-aaral pa, nakakalungkot isipin kung may puso ba ang sangkot sa iskandalo ng pork barrel. Hindi ko maisisi ang mga politiko na kung saan tinatawag na baboy o buwaya. Sa aking pagpasok ng publikong paaralan sa elementarya at sekandarya, di ko maisip ang masiksikang silid at limitadong aklat at kagamitan. Noong nasa unang taon pa ako, nag-absent yung titser naming dahil pumunta sa pa sa GSIS upang mag-utang dahil nagkasakit ang kanyang anak. Kung sana yung 10 bilyon pesos nilaan para sa edukasyon at mga guro naghihirap, mga pulis na luma ang baril, mga sundalo na sira na ang mga butas, mga ospital na sirang-sira ang kagamitan at marami pang sira sa lipunan.
REPLEKSYON (REFLECTION)
Hindi ko masisikmura ang nangyayari sa ating lipunan. Nakapagtanto ako sa aking buhay na magsimula sa aking sarili gaya ng pagtitpid, pagiging matapat sa mga magulang at may determinasyon sa buhay. Mahirap na makain ako sa Sistema kahit nasa high school pa ako kasi yung aming guro nagkokolekto ng pera para raw sa floor wax. Marami kaming mag-aaral sa klasrum at nakapagtanto ako kung tama ba iyon. Gaya na rin sa aking repleksyon sa di tama sa pagbayad ng pamasahe sa dyep o rela. Kahit sentimo o piso lang yan, may halaga nay an sa mga daryber. Napagtanto ako kahit nasa Xavier ako, nakikita ko ang mga bata walang makain at hindi nag-aaral. At doon sumubok ako sa free tutorial sa kalye at ang gaan-gaan ng nararamdaman ko. Masarap magbigay n kaalaman sa mga taong hindi mapalad ang kapalaran. Nakikita ko ang isang punto hinggil sa Pork Barrel Scam na kung saan nag-isip-isip ba ang mga tao na gumawa sa pagkurato ng kaban ng bayan. Naiisip ba nila ang naghihirap na mga Pilipino?
“Lord, teach me to be generous; Teach me to serve you as you deserve; To give and not to count the cost; To fight and not to heed the wounds; To toil, and not to seek for rest; To labor, and not to ask for reward - except to know that I am doing your will.” ― St. Ignatius of Loyola